Ano Ang Pagkakaiba Ng Bugtong At Sawikain?

Ano ang pagkakaiba ng bugtong at sawikain?

Answer:

Bugtong — isang palaisipan o pahulaan. Ang sawikain — isang talinhaga na nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan. Ito'y may pagkakaiba, ang bugtong ay may isang sagot lamang katulad ng "mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo" na may isang sagot na – aso. Sa kabilang banda, ang sawikain naman ay mayroong maraming kahulugan katulad ng "kung may sinusuksok, may madudukot" na may mga sagot na – matipid, nag-iipon at iba pang bagay na malapit sa pera. Isa pang pagkakaiba nila ay iba ang  sagot sa bugtong na kadalasang mga bagay o mga nakikita at nahahawakan, samantalang sa sawikain ay mga bagay na hindi nahahawakan dahil ito ang mga katangian at ugali na mayroon ang isang tayo. Kahit na may pagkaka-iba sila, mayroon din naman silang pagkakapareho dahil sinusukat nito ang talino ng isang tao at ito'y naglalarawan ng isang bagay na mailalarawan sa malalim na kahulugan.

Para sa akin, napakahirap umintindi o alamin kung ito'y bugtong at sawikain. Maraming puwedeng kahulugan ngunit isa lang ang nararapat na kahulugan nito. May malalamin na mga salita na lalong nagbibigay ng pagkahirap sa pagkaintindi ng mga ito.

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog

Discuss The Occurrence Of A Mineral Resource. Relate It To The Rock Cycle And Plate Tectonics.