Kadahilanan Ng Paghinto Sa Pagaaral
Kadahilanan ng paghinto sa pagaaral
"MGA DAHILAN NG PAGHINTO SA PAG-AARAL"
1.) KAWALAN NG PERA- Dahil sa kawalan ng pinasyal na pangsuporta marami ang humihinto sa pag-aaral. Wala silang pangsuporta sa panggastos sa school at sa iba pang kailangan na dapat bilhin sa eskwelahan. Dahil sa kahirapan, baka gustuhin niya pang ipambili na lang ito ng pagkain kaysa mag-aral.
2.) PAMBUBULLY- Dahil sa pambubulas o pambubully nawawalan ng gana ang isang istudyanteng pumasok sa school dahil sa mga kinahaharap nyang problema na nagiging dahilan ng kanilang stress at takot.
3.) PAGKAKASAKIT- Maaaring dahil sa isang maliit o malalang sakit na iniinda ng isang istudyante, hindi siya makapasok sa eskwelahan na talagang makakaapekto din sa kaniyang pag-aaral.
4.) KAWALAN NG PERSONAL NA INTERES- Dahil sa kawalan ng interes ng isang istudyante sa kaniyang pag-aaral hindi niya na gugustuhin pang pumasok sa eskwelahan. Maaring iniisip niya na wala siyang kakayahan na matutununan ang mga pag-aaral o kasanayan.
5.) PROBLEMA SA PAMILYA- Dahil sa pagkadisma at mga problema sa pamilya na dulot nito maaring mawalan ng interes ang isang istudyante sa kaniyang pag-aaral at mas malala pa maging dahilan ng kawalan ng interes na mabuhay.
6.) MAAGANG PAGBUBUTIS O PAGBABALIKAT NG RESPONSIBILIDAD-
Dahil sa maagang pagbubuntis maaring mahiya ang isang istudyante na pumasok pa sa eskwelahan. Maaari itong pagmulan ng kaniyang stress at lungkot. Ganun din, kapag ang isa ay maagang nagbalikat ng mabigat na mga responsibilidad. Gaya na lang ng pagsuporta sa kaniyang pamilya sa pinansyal o kaya naman ay maagang maging ama. Magiging dahilan din para hindi niya na ipagpatuloy pa ang kaniyang pag-aaral.
Konklusyon: Sa maraming lugar at kultura, marami pa at iba-iba ang dahilan kung bakit hindi naipagpapatuloy ng isang istudyante ang kaniyang pag-aaral. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga ito.
Comments
Post a Comment