Ano Ang Kaugnayan Ng Sekswalidad At Pagmamahal
Ano ang kaugnayan ng sekswalidad at pagmamahal
Answer:
Kaugnayan ng Sekswalidad at Pagmamahal
Ang sekswalidad at pagmamahal ay may kaugnayan dahil tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal at maghatid ng pagmamahal sa mundo ang likas na nagpapadakila sa tao.
Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa kaniyang pagiging Manlilikha.
- Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang kakayahang magsilang ng sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya.
- Ang tao ay likas na dakila dahil siya'y nilikhang kawangis ng Diyos.
- Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.
Sekswalidad
Ang sekswalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
Kahalagahan ng sekswalidad
- Ang seksuwalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
- Ang seksuwalidad ay daan upang maging ganap na tao.
- Maaari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
- Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki.
- Hindi moral ang taong hindi buo ang seksuwalidad at pagkatao.
- Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
- Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang seksuwalidad.
Mapapahalagahan natin ang sekswalidad kung pangungunahan natin ito sa paggalang sa ating sarili, dahil kung may paggalang tayo sa ating sarili igagalang at pahahalagahan na rin tayo ng ibang tao. Mapapahalagahan ang sekswalidad kung igagalang at irerespeto din natin ang ibang tao, kung ano man ang kasarian na napili nila na sa tingin nila ay makakapagbuo ng kanilang pagkatao. Igalang, irespeto at mahalin natin ang isat isa.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na:
Kahulugan at Kahalagahan ng Sekswalidad: brainly.ph/question/547490
#LetsStudy
Comments
Post a Comment