Ano Ang Ibig Sabihin Ng Investoture Controversy
Ano ang ibig sabihin ng investoture controversy
Investiture Controversy
Isang tunggalian ng interes sa simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII noong 11th Century. Hindi nagustuhan ni Haring Henri IV (Hari ng Germany) ang ideya ng Papa. Dahil dito humingi ng tulong ang hari sa mga obispong German na pababain sa pwesto si Papa Gregory VII. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa simbahang Katoliko. Hiniling ng Hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya ngunit nang hindi ito ginawa ng Papa, tumayo si Henri IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa Italy ng tatlong araw noong 1077. Hiniling ng Hari na alisin ang parusanv ekskomulgasyon sa kanya. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa ang hari, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng simbahan. Upang malutas ang isyu, nagkaroon ng kasunduan ang Simabahan at si Haring Henri IV na tinawag na "Concordat of Worms" na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider-espiritwal ng Simbahan at Panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari.
Comments
Post a Comment